Friday

Mabuhay!



Hindi namin hangad na baguhin ang mundo. Nais lang naming ilathala ang aming mga hinaing at saloobin sa mga isyung mahala sa bayan. Hangad rin naming pumasa ng Fil11.


Eto Na.

Thursday

Ang Sabi ng Lolo Manuel ko

Hindi mo malalaman kung ano ang tunay na kasiyahan hanggang hindi mo pa nararanasan ang matinding kahirapan.

Ang sabi ng lolo ko madaming bagay sa mundo ang maaaring maging dahilan upang maging mapanalamat. Nandiyan ang simpleng katotohanang buhay ka. Kung wala kang kapansanan mas matuwa ka pa dahil marami diyan ang may kapansanan na, abot anit parin kung ngumiti at magpasalamat.

Marami siyang tinuturo sa aming mga apo niya. Hindi dapat maging mapili sa pagkain. Basta’t kumpleto sa hapag kainan ang pamilya, maging tuyo pa iyan o kanin na may asin, pasalamatan dapat ang Diyos.

Idiniin niya na lahat ng bagay na aming natatamasa ay galling sa Diyos. Huwag matakot magdasal at magpasalamat.

Sa totoo lamang, noong mga panahon na iyon, hindi ko maintindihan ang lolo. Naisip ko lang “ah oo” na may kasamang kamot sa ulo at ngiti. Kailan ko natanto na makabuluhan pala ang mga sinasabi niya.

Kung tutuosin, mapanayang at mapanira ang tao. Hindi natin napapansin ang tunay na halaga ng isang bagay hanggang hindi io nawawala. Sa sitwasyon ng iba, pagdating sa pagkain ito ang kanilang hindi naiisip.

Nakita mo na ba ang mga naghihirap na madudungis na bata sa tabi-tabi. Yung mga nanlilimos? Hindi baa ng dami nila? Maari masasabi natin na sa sindikato lang ang mga iyan at pwede nating hindi pansinin ang mga ito. Pero kung iisipin, tunay na mga tao ang mga iyon. Mga bata. Mga batang naghahanap ng makakain. Habang ikaw lumalamon ng Big Mac mo at sumisipsip ng iStar Backs mo na kape, sila sa pandesal na nahulog sa sahig masaya na.

Ang laking kabalintuanaan no? Pero nagpapatuloy parin ang ganitong mga pangyayari. Minsan mahirap sikmurain ang katotohanan pero marami parin ang walang pakialam sa mga nangyayaring ito. Ang tanging magagawa na lang talaga siguro ay ulitin at ikalat ang siniabi ni lolo Manuel. Mas maganda ng tumula kaysa naman tumulala.


Wednesday

Mga Bulungbulungan ng Bayan: Sino nga ba si Armando Castro?

Matagal nang bumabagabag sa akin ang identidad ng isang taong nagngangalang Amando Castro. Maaalalang tampok siya sa tulang Ang Gabi ni Armando Castro ni Rio Alma.

Hinanap ko sa Google si Armando Castro at ito at kalabasan ng research ko:


Sadyang mausisa akong tao kung kaya't pinuntahan ko ang link na iyong upang kilalanin kung sino siya. Natawa ako nang malaman kong website pala iyon ng isang doktor sa Estados Unidos.

Dr. Armando E. Castro, MD

Dr. Castro practices Bariatric Surgery and General Surgery in Brooklyn and Staten Island, New York. Dr. Armando Castro, a male, graduated with a MD.

(Pinagkunan)

Matatandaan na si Armando Castro na tampok sa tula ay namatay dahil sa sinaunang paniniwala at panatismo. Hindi siya pinagamot sa isang ospital. Hindi man lang niya nahagilap ang taong tulad ni Dr. Armando E. Castro, MD.

Sa halip na malunasan ang sakit nito gamit ang aghan at siyensya ay pinaligiran siya ng rosaryo at kung sino-sinong albularyo. Inakala ng pamilya nito na ang karamdaman nito ay isang kulam lamang at mahahanapan lamang ng lunas sa pamamagitan ng iba't ibang quack doctors at manggagamot.

Malamang, hindi talaga ito ang Armando na hinahanap ko. Kung kaya't nag-google ulit ako! (Kinahihiligan kong magsaliksik ng kung ano-ano sa Google). Sa pagkakataong ito, ginamit ko nalang ang apilyido nito--Castro.

Aba! Kay laking gulat ko nang lumabas at link na ito galing sa Wikipedia:

Fidel Castro - Wikipedia, the free encyclopedia

Ito kilala ko na. Ayon sa Wikipedia (isa pang site ka paborito ko):

Fidel Alejandro Castro Ruz (born August 13, 1926) is the current President of Cuba, though currently with his duties transferred.

Castro led the revolution overthrowing Fulgencio Batista in 1959. Shortly thereafter, Castro was sworn in as the Prime Minister of Cuba.[1] Castro became First Secretary of the Communist Party of Cuba in 1965, and led the transformation of Cuba into a one-party socialist republic. In 1976 he became president of the Council of State as well as of the Council of Ministers. He also holds the supreme military rank of Comandante en Jefe ("Commander in Chief") of the Cuban armed forces.

Mabuti ba si Fidel Castro, makapangyarihan. Eh si Armando? Wala. Wala siyang magawa habang ginagawa sa kanya ang iba't ibang mga ritwal. Kahit noong uhaw ito ay tinimbaan lang siya ng tubig. At noong humingi ito ng habag, tinusukan siya ng pako. Habang si Fidel Castro ang may hawak sa kapalaran ng isang bansa, si Amando, kahit buhay niyo mismo e wala.



Sa pagsaliksik ko tungkol kay Armando Castro lalo kong nakita ang mga bagay na ipinagkait sa kanya--ang kalayaang pumili ng kung ano ang makakabuti sa kanya. Inuna ng pamilya nito ang kanilang mga paniniwala sa mga tradisyunal na paraang sa paggamot ng may sakit. Hindi man lang nila isinaalang-alang ang mga modernong medisina at gamot upang gumaling si Armado.

Ang kwento ni Armado ay halimbawa ng isa sa mga lagim na epekto kung closed minded ang mga tao sa aghan at siyensya. Tinutulak ng tula ang halaga ng pagiging bukas sa tulong na pwedeng idulot ng bagong kaalaman. Pinipilit ng pamilya ni Armando na panindigan ang mga gawaing tradisyunal na naging dahilan sa pagkamatay nito. Ayaw nilang gumamit ng banyagang produkto.

Masasabing isa ito sa mga problema ng lipunang tradisyunal. Sa pagbago ng panahon, kailangan ring umangkop ng lipunan. Kailangan buksan ang isipan sa mga banyagang bagay tulad ng gamot at mga bagong impormasyon.

Kawawa talaga itong si Armando. Isang biktima ng mentalidad ng mundong ginagalawan niya. Di ko maiwasang isipin-- ano kaya ang nangyari kung dinala lang sana ito sa ospital? Baka naman kasi high fever yun. Masusumpungan pa sana.

***

Sa susunod na edisyon: Insider Info galing sa Gusali ng UN.

Tuesday

Usapang Kalye: Mga nasabi ng tao matapos mabasa ang “Usapang Imbo at Utoy”

Ang sabi ng tambay sa kanong unang nalapitan ko…

Ang lupet naman ng tula na iyan! Hahahahahaha! Tula bay an? Parang hindi e. Parang joke time lang. Akalain mo Hope! Wahahahahahaha! Loko-lokong tatay! Dapat ipasok yan sa wowowee!

Ang sabi ng may pinag-aralan na hindi ko alam bakit nadako bigla dito sa kinaroroonan ko…

Ang ganda ganda naman ng tula na iyan. Isa itong obra! Mayroon itong dramatikong sitwasyong ipinarating sa pamamagitan ng katatawanan. I like it! Bits Victoria is a genius!

Ang sabi ng babaeng makapal ang kolorete’t naka mataas na takong:

Eeeew! Poetry!? Are you like… seryoso? That’s like, you know, all geeky and jologs! I’m too busy making ayos my nails! Stay away from me! Kadirrrrri!

Ang sabi ng isang manggagawa nagtratrabaho sa may mga tubo sa gilid na nagpapahinga…

Wala akong oras para sa kalokohang iyan. Mapapakain ba ng pamilya ko ng mga salitang iyan?

Ang sabi ng matandang lalaki na kabibili lang sa may botika

Ha? Hindi ko maintindihan. Ano ang kina-tula nito? Parang isang malaking kalokohan. Naglolokohan lang ba tayo dito bata? Ang mga tula yung tipong *ubo muna* pangromansa. Nakakatuwa, masarap sa tenga’t malalim. Ano ito? Niloloko mo lang yata ako! Mga bata talaga ngayon. Loko!

Ang sabi ng walang pakialam na mamang mukhang nagmamadaling mukhang natatae sa kanyang lakad na mabilis…

Ang sabi ng studyanteng napadaan…


Maganda kuya. Master sardines™? Yum yum!

Panghuli, ang sabi ng batang madungis ang mukha at napadaan lang…

Ah kuya… Di ako marunong magbasa e…



Monday

Lutong Bahay

Simple lang ang sangkap

nitong lutong ituturo:

1 kilong kinwadro-kuwadritong Tagalog;

1/2 kilong ginayat na Ilokano;

1/2 kilong giniling na Sebuwano;

1 tasang pinaglagaang Hiligaynon;

1 pakete ng maanghang na Bikol;

saka ilang kapirot na katutubong rekado

at handa na tayo.


Sabay-sabay itong ibuhos

sa nakangangang kaldero

at kay- inam pagmasdan

ang giyera ng balat at tinalupan.


Ang bagong resipe:

Lengua Estufida.

Bagay na bagay sa masang

mutsatso't mutsatsa.


Ngayon, palitan mo ang mga sandata

at maaari na nating umpisahan

ang Ulam para sa mga espesyal na bisita.





Ipinapakita ng Putaheng Pilipino ang diversity ng kulturang Pilipino. Ipinatutunghay nito na mayayaman ang kulturang Pilipino sa lenguwahe at wika, isang katangian na hindi madalas makikita sa mga dayuhang bansa. Pero, hindi lamang nakakabuti ang katangiang ito. Nagdudulot din ito ng "giyera ng balat at tinalupan". Dahil sa karamihan ng wika ng Pilipinas, nawawala ang pagkakaisa nito. Lalong tumitindi ang kompetisyon sa pagitan ng iba't ibang rehiyon at probinsya ng bansa. Nakikipagtagisan sila para sa posisyon ng superyor at pambansang wika at ito ang nagiging dahilan sa pagkakanya-kanya ng bansa.


Kinokontradik ng tula ang una nitong sinabi ukol sa pagkaroon ng Pilipinas ng diversity sa pagbanggit nito na bagay raw ang lenguwaheng Pilipino sa mga katulong o mutsatsa. Dito natin makikita na gumagamit ang tula ng konseptong oryentalismo na nagpapakita ng mababang pagtingin sa mga bansa sa Asya. Dito pa lamang, pinapakita na ang pagiging biktima ng Pilipinas sa diskriminasyon.


Dahil nawala ang pagkakaisa ng bayan, lalong tumitindi ang pagiging vulnerable nito dahil wala ito identidad. Mas nahihirapan na ang bayan maghanap ng sarili nito.




Ang pagkokonsider sa mga dayuhan bilang espesyal na bisita ay nagpapakita ng mataas na pagtingin sa kanila. Binababa ng Pilipinas ang kanyang sarili para magbigay daan para sa mga dayuhan. Walang paraang maglaban pa ang bayan dahil hindi nagkakaisa ang mga rehiyon nito.

Sunday

Long Test No. 3

1. Sa inyong barkada, ikaw ang:

a. Nag-momoralize… nais mong may mabuti kang maituturo sa kung sinuman ang nakikinig sa iyo, lalo na sa mga kaibigan mo.

b. Dakila ka. Ipinagtatanggol mo ang iyong mga kaibigan, lalo na ang iyong barkada. Ikaw ay chismoso/chismosa, laging naghahanap at nagkakalat ng makabagong impormasyon.

c. Nakakapag-dulot ka ng inspirasyon na nakakapag-bago ng ugali sa iyong mga kausap. Pagkatapos ng inyong kombersasyon, ay napaurong sila sa iyong mga sinabi at sila ay magdudulot ng pagbabago sa mga luma’t walang kwentang proseso.

d. Nagpapatawa… mahirap kang seryosohin, ngunit, maypaka-totoo naman ang mga biro mo. Kilalang-kilala mo ang sarili mo at alam minaliliit mo ang batas, kaya minsan, mapagkamalan kang rebelde.

2. Isang katangian mo ay:

a. Medyo OC.

b. Chismoso/chismosa.

c. Gusto mong laging may pagbabago.

d. Kilala mo ang sarili mo,ngunit kilalang kilala mo ang sarili mo.

3. Kung nanonood ka ng isang pelikula, ito ay nagiging interesante kapag:

a. May aral kang nakukuha dito.

b. May naisolba na misteryo sa huli.

c. Ang daloy ng istorya nito ay halos hindi mahulaan.

d. Kapag mas nakilala ng bida ang kanyang sarili at kakayahan, at nagwagi siya laban sa makapangyarihang kalaban.

4. Ang paborito mong (animated) na palabas ay:

a. Mga Disney movies.

b. Mga documentary gaya ng “An Inconvenient Truth” na kung saan ay may makukuha kang mga impormasyon na maari mong magamit na pang-chika sa iyong mga kaibigan.

c. Mga action movies gaya ng “Transformers” at “Spider-man” na kung saan hindi mo mahuhulaan ang daloy ng istorya.

d. Mga movies na gaya ng “The Mission” nam ay mga tinatangkang sasakupin, ngunit, hindi gaanong nagwagi ang mananakop.

5. Kung may time-machine ka, aling panahon ba ang gusto mong bisitahin?

a. Panahon ng mga Kastila. Kung saan medyo desente pa ang mga Pilipino.

b. Pupunta ka sa panghinaharap upang tingnan ang halaga ng impormasyon. (malamang, tataas ito, ano?)

c. Pupunta ka sa panghinaharap upang makita kung ano ang magbabago.

d. Pupunta ako sa ika-12 ng Hunyo, 1898, dito kasi pinapakita ng mga Pilipino na sila ay Pilipino pa rin sila kahit na may nangakop na sa kanila.


*****


Chen-chenen! Ngayon na’t natapos mo nang sagutin ang pasulit na ito, andito na ang mga resulta!:

Kung karamihan ng sagot mo ay A, ikaw ay tipong TRADISYUNAL

  Sumusunod ka sa mga lumang tradisyon. Gusto mo na lahat ng ginagawa mo ay may kabutihang naidudulot. Dapat lahat ay may tamang sukat at tugma. Iwasan ang sobrang pagmomoralize at sobrang pag-kukutkot ng kung anumang mga tinatagong kabuluhan.


Kung karamihan ng iyong mga sagot ay B, ikaw ay tipong POSTKOLONYAL


  Naghahanap ka ng daan upang maiwasan ang mga epekto ng mga nananakop sa iyo. Medyong maypagka-rebelde ka, ngunit, yung tipong dakila. Hindi ka naniniwala na may konstitusyon at may tiwala ka sa iyong sarili. Iwasan ang sobrang pagmumulti task na dulot ng cyborgization.


Kung karamihan ng iyong mga sagot ay C, ikaw ay tipong MODERNO


Gusto mong magdulot ng kabaguhan. Dapat ang lahat ng batas na walang kwenta ay iwagtas o baguhin man lang.


Kung karamihan ng iyong mga sagot ay D, ikaw ay tipong POSTMODERNO


   Ikaw ay nakakapagdulot ng aliw sa iyong mga barkada, kilalang kilala mo ang sarili mo at alam mo na may kahulugan ang mga birong sinasabi o ginagawa mo.

**

Wag masyadong seryosohin ang resulta ng pagsusulit na ito. Ito ay produkto ng mga sabaw na utak. Haha!

Saturday

Sikat Kami

Ihinahandog ng Fil11-Q ang pangkat ng C's-- Calizo, Castro, Concepcion, Cupin.




***

Nais pasalamatin ng grupo ang sumusunod:
-Mama, Papa, Mommy, Daddy, Mom, Dad, Nay, Tay
-Blogger
-Photobucket
-Imageshack
-Google
-Wikipedia
-Gabby's Dictionary
-Team Manila
-Yabang Pinoy
-Yahoo!Messenger
-Adobe Photoshop CS2
-Smart, Globe, Sun
-Extra Joss, Red Bull, Nescafe, Atbp.
-G. Joseph Salazar
-Panginoong Diyos
Kung hindi sa inyong lahat, walang finals project ang grupong ito. (Babagsak kami!).
Maraming, maraming SALAMAT:)