Thursday

Ang Sabi ng Lolo Manuel ko

Hindi mo malalaman kung ano ang tunay na kasiyahan hanggang hindi mo pa nararanasan ang matinding kahirapan.

Ang sabi ng lolo ko madaming bagay sa mundo ang maaaring maging dahilan upang maging mapanalamat. Nandiyan ang simpleng katotohanang buhay ka. Kung wala kang kapansanan mas matuwa ka pa dahil marami diyan ang may kapansanan na, abot anit parin kung ngumiti at magpasalamat.

Marami siyang tinuturo sa aming mga apo niya. Hindi dapat maging mapili sa pagkain. Basta’t kumpleto sa hapag kainan ang pamilya, maging tuyo pa iyan o kanin na may asin, pasalamatan dapat ang Diyos.

Idiniin niya na lahat ng bagay na aming natatamasa ay galling sa Diyos. Huwag matakot magdasal at magpasalamat.

Sa totoo lamang, noong mga panahon na iyon, hindi ko maintindihan ang lolo. Naisip ko lang “ah oo” na may kasamang kamot sa ulo at ngiti. Kailan ko natanto na makabuluhan pala ang mga sinasabi niya.

Kung tutuosin, mapanayang at mapanira ang tao. Hindi natin napapansin ang tunay na halaga ng isang bagay hanggang hindi io nawawala. Sa sitwasyon ng iba, pagdating sa pagkain ito ang kanilang hindi naiisip.

Nakita mo na ba ang mga naghihirap na madudungis na bata sa tabi-tabi. Yung mga nanlilimos? Hindi baa ng dami nila? Maari masasabi natin na sa sindikato lang ang mga iyan at pwede nating hindi pansinin ang mga ito. Pero kung iisipin, tunay na mga tao ang mga iyon. Mga bata. Mga batang naghahanap ng makakain. Habang ikaw lumalamon ng Big Mac mo at sumisipsip ng iStar Backs mo na kape, sila sa pandesal na nahulog sa sahig masaya na.

Ang laking kabalintuanaan no? Pero nagpapatuloy parin ang ganitong mga pangyayari. Minsan mahirap sikmurain ang katotohanan pero marami parin ang walang pakialam sa mga nangyayaring ito. Ang tanging magagawa na lang talaga siguro ay ulitin at ikalat ang siniabi ni lolo Manuel. Mas maganda ng tumula kaysa naman tumulala.


No comments: