Simple lang ang sangkapnitong lutong ituturo:1 kilong kinwadro-kuwadritong Tagalog;1/2 kilong ginayat na Ilokano;1/2 kilong giniling na Sebuwano;1 tasang pinaglagaang Hiligaynon;1 pakete ng maanghang na Bikol;saka ilang kapirot na katutubong rekadoat handa na tayo.Sabay-sabay itong ibuhossa nakangangang kalderoat kay- inam pagmasdanang giyera ng balat at tinalupan.Ang bagong resipe:Lengua Estufida.Bagay na bagay sa masangmutsatso't mutsatsa.Ngayon, palitan mo ang mga sandataat maaari na nating umpisahanang Ulam para sa mga espesyal na bisita.

Ipinapakita ng Putaheng Pilipino ang diversity ng kulturang Pilipino. Ipinatutunghay nito na mayayaman ang kulturang Pilipino sa lenguwahe at wika, isang katangian na hindi madalas makikita sa mga dayuhang bansa. Pero, hindi lamang nakakabuti ang katangiang ito. Nagdudulot din ito ng "giyera ng balat at tinalupan". Dahil sa karamihan ng wika ng Pilipinas, nawawala ang pagkakaisa nito. Lalong tumitindi ang kompetisyon sa pagitan ng iba't ibang rehiyon at probinsya ng bansa. Nakikipagtagisan sila para sa posisyon ng superyor at pambansang wika at ito ang nagiging dahilan sa pagkakanya-kanya ng bansa.
Kinokontradik ng tula ang una nitong sinabi ukol sa pagkaroon ng Pilipinas ng diversity sa pagbanggit nito na bagay raw ang lenguwaheng Pilipino sa mga katulong o mutsatsa. Dito natin makikita na gumagamit ang tula ng konseptong oryentalismo na nagpapakita ng mababang pagtingin sa mga bansa sa Asya. Dito pa lamang, pinapakita na ang pagiging biktima ng Pilipinas sa diskriminasyon.
Dahil nawala ang pagkakaisa ng bayan, lalong tumitindi ang pagiging vulnerable nito dahil wala ito identidad. Mas nahihirapan na ang bayan maghanap ng sarili nito.

Ang pagkokonsider sa mga dayuhan bilang espesyal na bisita ay nagpapakita ng mataas na pagtingin sa kanila. Binababa ng Pilipinas ang kanyang sarili para magbigay daan para sa mga dayuhan. Walang paraang maglaban pa ang bayan dahil hindi nagkakaisa ang mga rehiyon nito.

No comments:
Post a Comment